
Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!
Ako nga pala si Brian Dys, isang composer ng electronic music at mahilig din akong mag-gitara.
Andito ako ngayon para i-share yung jamming session ko.
Oval Lava ang title. Instrumental lang siya at naglalaro sa major seventh chords.
Tapos tiningnan ko din kung ano yung kadalasang lakas ng sound level in decibels kapag nagre-record. Feeling ko kasi mahina yung pick-up ng mic ko. Around -24 to -10db daw. Kasi kapag umabot ng 0db, may chance na mag-distort yung sound.
Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!