Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Business
Society & Culture
Sports
History
News
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts112/v4/2d/e6/02/2de6029f-c576-43fb-61fe-4e2cd4330c31/mza_8057354288483026570.jpg/600x600bb.jpg
Brian Dys
Brian Dys
11 episodes
1 month ago
Mga jam ni Brian Dys
Show more...
Music Commentary
Music
RSS
All content for Brian Dys is the property of Brian Dys and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Mga jam ni Brian Dys
Show more...
Music Commentary
Music
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/production/podcast_uploaded_episode/3811943/3811943-1652957624555-5e9ecc801b0c5.jpg
Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)
Brian Dys
7 minutes 43 seconds
3 years ago
Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)

https://www.briandys.com/rasyon-ng-inspirasyon/

---

Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

---

Naaalala niyo pa ba nung magsimula ang covid lockdown dito sa Manila? On-going pa noon ang ashfall mula sa Taal volcano, kaya mag stock na kami ng masks. Magkasunod na pagsubok bumagsak sa ating lahat. Makalipas ang ilang buwan tsaka ko naramdaman ang kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko parang bangkang may butas ang ating bansa pagdating sa pandemic response. Isang araw, lumabas sa TV si Leni at nagpahayag ng mensahe ng pag-asa. Literal na tumindig ang balahibo ko dahil tsaka ko lang na-realize na pwede pala akong kumapit sa gobyerno.

Ito sa harapan ko ang isang tao na nakatayo sa gitna ng kaguluhan, nagsasabi na ito ang mga pwede nating gawin para 'di tayo maglugmok ng epekto ng pandemya --- sa kalusugan at ekonomiya. Salita lang ang mga 'yon pero napakalaking bagay para sa akin na maging matatag at harapin ang takot.

Anong klaseng Pilipinas ang gusto ko para sa sarili at para sa pamilya ko? Pilipinas na nagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao. Isang bansang makatarungan at patas. Isang bansang pinamumunuan ng mga tao na responsable sa kanilang mga tungkulin sa bayan. At higit sa lahat, isang bansa na nangingibabaw ang pag-asa. Pag-asa ang gas at langis natin upang bumangon at magpatuloy, upang maging mabuti unang-una sa ating sarili at sa isa't-isa. Sa pamamagitan ng pag-asa tayo yayabong.

Nagpapasalamat ako sa'yo, Leni, dahil para sa akin naipakita mo kung ano ang posible para sa isang pinuno. Ang pagiging matino at pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa.

Para sa inspirasyon na dulot mo ang kantang ito. May mga ilang salita akong naisulat na nagsisilbing pundasyon ng gusto kong sabihin sa kanta:

---

Tuloy-tuloy lang

Huwag pigilan

Ang pagbuhos ng rasyon ng inspirasyon


Tindig-balahibo

Solusyon

May pag-asa


May takdang araw

May araw-araw

---

Ang mismong eleksyon, isang araw.

Ang buhay natin, araw-araw.

Lahat tayong mga Pilipino ay nasa iisang bansa. Nasa iisang bangka. Magkakaiba tayo at magkakasama tayo. Isang matapat na pamumuno ang pinanghahawakan natin para patuloy tayo sa paglayag.

---

Anyway, jam na tayo!

[Music]

Ayos, sana ay nagustuhan niyo.

Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!

Brian Dys
Mga jam ni Brian Dys