
MIYERKULES, Nobyembre 26, 2025
Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Sto. Siricius, Papa
Paggunita kay St. Leonard of Porto Maurizio, Pransiskano
Pagggunita kay Sto. Sylvester, Abbott, Tagapagtaguyod ng Silvestrine-Bendectine
LANDAS NG PAG-ASA : “PAGSUNOD AT PAG-UUSIG”
[MABUTING BALITA]: LUCAS 21 :12 - 19
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”
Reflection by Ed Cano: Principal Consultant (Electric Power System Planning and Operations); Servant Worker for Brotherhood of the King, Communion Prayer Group and The Heart of Mary prayer group.
#POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel