Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
TV & Film
Technology
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts126/v4/c9/ca/34/c9ca344a-7f32-fc18-1660-e0e7e388782d/mza_17852168731255829331.jpg/600x600bb.jpg
PAULINES
Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
2716 episodes
1 week ago
On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul
Show more...
Religion
Religion & Spirituality
RSS
All content for PAULINES is the property of Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul
Show more...
Religion
Religion & Spirituality
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/staging/podcast_uploaded_episode/10850391/10850391-1714449528009-2ca3a4e66ea9c.jpg
Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo
PAULINES
4 minutes 13 seconds
1 year ago
Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Mayo 19, 2024

Linggo ng Pentekostes

Ebanghelyo: Juan 20,19-23

Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Gaya ng pag kakasugo sa akin ng Ama, Gayon ko rn kayo ipadadala.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”

Pagninilay:

Isang araw may batang lumapit sa akin at nagtanong. “Sir, ano po ang kulay ng Holy Spirit?” Nagulat ako sa kanyang tanong. Naisip ko na sabihing pula, pero nahamon ako na pagnilayan: May kulay nga ba ang Espiritu Santo? Kung mayroon, ano kaya ito? Isang mapagpalang araw ng linggo mga kapanalig. Sa araw na ito ginugunita natin ang Dakilang kapistahan ng Pentekostes, ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga apostol, at araw rin ng kapanganakan ng ating simbahan. Bagama’t sa simula pa lamang ng binyag tinanggap na natin ang Espiritu Santo, mas pinagtitibay sa kumpil o Confirmation ang tinanggap na nating Banal na Espiritu. Tinatawag din siyang Parakletos, ang tagapagbigay-lakas, ang Tagapagpabanal, ang hininga ng Diyos (ruah) at ang Pag-ibig sa pagitan ang Ama at Anak. Marami pang mababanggit tungkol sa Espiritu Santo pero walang sinasabing kulay.

Kung titingnan sa malikhaing mga mata, ang katapangan at katatagan na mga bunga ng Espiritu Santo ay kulay pula; makikita naman ang Chrisma at Biyaya ng Buhay na kulay luntian o berde; pwede ring kulay puti ng kalinisan o kabanalan, tulad ng kalapati na madalas na larawang ginagamit para sa Espiritu Santo.

Mga kapatid/kapanalig, marahil tulad ng liwanag na dumaraan sa isang prism at nagbubunga ng isang buháy na hanay ng iba’t ibang kulay, masasabi nating walang iisang kulay ang Espiritu Santo. Higit sa pula o sa puti, higit pa sa bahag-hari. Ang bawat kulay at bawat biyaya na aakma sa taong tumatanggap sa apoy ng espiritu ang magbibigay kulay sa buhay ng mundong ating ginagalawan. Higit sa anupamang kulay, sa ating pagtanggap sa Espiritu Santo, pinag-aalab niya ang marubdob nating adhika na makagawa at makapagbigay-patotoo bilang isang Simbahan na buháy ang ating Panginoong Hesukristo sa ating isip, sa bawat salita, lalo na sa ating mga gawa. Amen.