Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
TV & Film
Technology
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts126/v4/c9/ca/34/c9ca344a-7f32-fc18-1660-e0e7e388782d/mza_17852168731255829331.jpg/600x600bb.jpg
PAULINES
Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province
2716 episodes
1 week ago
On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul
Show more...
Religion
Religion & Spirituality
RSS
All content for PAULINES is the property of Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO. "We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel." #Paulines #DaughtersOfStPaul
Show more...
Religion
Religion & Spirituality
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/staging/podcast_uploaded_episode/10850391/10850391-1714455816062-cd52060eb79ce.jpg
Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules
PAULINES
4 minutes 19 seconds
1 year ago
Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules

Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules

Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: MARCOS 9,38-40

Sinabi ni Juan kay Hesus: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Hesus: “Huwag n'yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang di natin kalaban.”

Pagninilay:

Empowered na ang mga alagad ng ating Hesus Maestro na magpalayas ng mga demonyo mula sa kanilang binibiktima. Sa kakayanan nilang magpalabas ng masamang Espiritu, ginagawa nila ito sa Ngalan ng ating Panginoong Hesus, pananalangin nang taimtim at may buong pananampalataya. Mukhang kampante na sila sa kanilang bokasyon at misyon. Kaya nang may nakita silang nagpapalayas ng demonyo, binawalan nila. Sila lang ang may ministry credentials. Parang buhay na naririnig ko na sinasabi nila na “O, eto ang aming certificate!” Kami lang ang authorized, well-trained kami dyan.” Mukhang hindi tayo nalalayo sa ganitong asal. Bilang Pilipino, by social orientation may tinatawag tayong “tayo-tayo” culture. Tayo lang ang may pribilehiyo na gumawa nito o pumasok doon. Halimbawa, kung ano ang ating expertise, tayo lang ang pwedeng mag-execute. Secure na tayo at hindi pwedeng ipagkatiwala sa iba. Pwedeng i-consider ito na makasarili, o self-serving. Ang nagiging masama pa rito,  nauuwi sa pagkainggit at pakikipagpaligsahan sa iba. Nangyayari ito kapag binigyan natin ng kahulugan ang umaangat na status o karangalan ng iba. Nakakaligtaan na kung ano ang para sa kabutihan ng lahat. Pero alam ko na marami pa rin sa atin ang nagsusumikap na hindi humabol sa special privilege ng tayo-tayo culture. May mga samahan na nagpupunyaging gawing motibasyon ng kanilang kakayanan ang malalim na panawagan na paglingkuran ang ating Panginoon. At di ba, maganda ring isipin na pagkakataon na para sa atin ang tanggapin ang Mabuting Balita ngayon.  Chance ito na harapin din natin ang tukso ng masamang espiritu. Madala skung babad tayo sa paglilingkod at masaya tayong gumagawa para sa ikabubuti ng lahat, doon tayo binubulungan ng pagmamataas, paghahanap ng kung ano ang mapapakinabangan o pagsasantabi sa kakayanan ng iba. Challenging at mahiwaga ang empowered servants of God. Kaya sa tendency nating mag-‘tayo-tayo’, gawin nating ‘tayong lahat-lahat’!  Sa Ngalan ng ating Hesus Maestro ibandila natin ang handog ng paglilingkod, pagkakaisa, pagkilala sa kakayanan ng bawat isa, at kabanalan para puksain ang tukso ng pagkakahiwa-hiwalay.

-       Sr. Gemmaria Dela Cruz l Daughters of St. Paul