Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
History
Music
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts211/v4/41/ca/5f/41ca5ffb-9b74-8c00-627d-25ae1ad42aaa/mza_10564417182960250230.jpg/600x600bb.jpg
Think About It by Ted Failon
105.9 True FM
195 episodes
1 week ago
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Show more...
News
RSS
All content for Think About It by Ted Failon is the property of 105.9 True FM and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!
Show more...
News
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/staging/podcast_uploaded_nologo/15303715/15303715-1730105724271-6a9cdf58eb4bb.jpg
Purgahin ang gobyerno! (Aired October 17, 2025)
Think About It by Ted Failon
20 minutes 6 seconds
2 months ago
Purgahin ang gobyerno! (Aired October 17, 2025)

Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kung siya ang tatanungin, bubuwagin at magtatayo na lang siya ng bagong Department of Public Works and Highways dahil paano mo lilinisin ang ahensya kung buong Pilipinas ay may korap na DPWH officials. Pero paano ba ang sistema ng korapsyon sa DPWH? Sino-sino ba ang lumalabas na mastermind o proponent, at nakakakuha ng mas malaking parte sa kickback?

Lumitaw na sa napanood nating mga privilege speech, at ibinulgar na rin ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH na ang kanilang nagiging patron sa kickback ay ang mga mambabatas na naglalaan ng mga pondo sa iba't ibang proyekto ng DPWH na siya namang pinanggagalingan ng kinukulimbat nilang pera ng bayan. Kung gayon, hindi ba't buong Kongreso ay dapat na ring buwagin?

Kung totoo ang sinasabi ng Senate President, House Speaker, Ombudsman, at ng Pangulo, na susugpuin nila ang korapsyon, mag sanib pwersa sila sa pagpupurga sa Kongreso ng Pilipinas. Isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng lahat ng senador at kongresista. At kung malinaw na hindi tugma ang kinikita sa marangyang buhay ng isang mambabatas, sampahan agad ng kaso sa ilalim ng Republic Act 1379–The Law of Forfeiture of Ill-Gotten Wealth.

Pero sa totoo lang, sa napakalaking iskandalong ito ng korapsyon na talagang nagpapagalit sa bayan, kailangan na ring purgahin ang marami pang ahensya sa gobyerno. Malawakang pagpupurga ang tanging makapagtatama sa takbo ng pamahalaan ngayon dahil nawala na ang tiwala ng bayan. Korapsyon ang nagpabagsak noon sa panahon ni Marcos Sr. Sa mas matinding problema ng korapsyon na kinakaharap ngayon ni Pangulong Marcos Jr., mauulit nga ba ang kasaysayan? Think about it. #TedFailonAndDJChacha