
Paano nga ba nagpapatuloy ang teatro ngayong panahon ng pandemya? Ano na ang nangyari sa mga aktor, direktor, at iba pang kasapi ng mga produksiyong pantanghalan
Pakinggan ang kuwentuhan nina Resident Fellow Jose Mojica, Katte Sabate, Jo Ann Quiros, at Ron Biñas para malaman ang sagot! Sina Katte, Jo, at Ron ay mga miyembro ng Relive Your Passion PH, isang grupong pantanghalan na patuloy na itinataguyod ang teatro ngayong pandemya, sa pamamagitan ng online readings.
Si Katte Sabate ay Director for Academic Affairs, Director of Dharma Theatre Ensemble, at Assistant Professor for Performing Arts sa Guang Ming College. Nagtapos siya ng Bachelor of Theater Arts, cum laude, at kasalukuyang Candidate Graduate of Master of Arts sa UP Diliman. Pagkatapos niyang magsiyasat, makipamuhay, at magsaliksik sa iba’t ibang lugar sa Asya, bumalik siya sa Pilipinas noong 2015 at nagtuturo na ngayon nang full-time sa Guang Ming College, kung saan tumutulong siya sa paghubog ng mga artist-scholar sa ating bansa. Miyembro siya ng Theatre Actors Guild of the Philippines, at ang kanyang mga pananaliksik ay nailimbag at binasa na sa ASWARA, Malaysia, Paris, France, Lisbon, Portugal, at sa University of the West, USA. Bilang core member ng Relive Your Passion PH, pinagyayaman niya pa ang kanyang mga kakayahan sa pag-arte at pagdidirek sa virtual platform.
Si Jo-Anne Quiros ay core member at isa sa mga tagapagtatag (aka promotor) ng Relive Your Passion PH. Nagpi-freelance siya bilang production at stage manager—sa kasalukuyan, siya ang may hawak sa lahat ng digital shows ng Puregold Channel—habang nagtatrabaho rin bilang Communications and Process Manager for Canbnb, isang property management na naka-base sa Australia.
Si Ron Biñas ay dating faculty member ng Department of Literature ng UST. Nagturo rin siya ng speech and theatre sa UP Los Baños. Nagtapos siya ng BA Theatre Arts, cum laude, sa UP Diliman, at naging aktibo sa Pagtatanghal. Nagsilbi na siyang stage director, production manager, actor, at opera singer sa iba’t ibang theatre companies, kabilang ang Dulaang UP, UP Dulaang Laboratoryo, UP Playwrights’ Theatre, Teatro Likhaan, Teatro Tomasino, Tabsing Kolektib Manila, Philippine Opera Company, at iba pa. Nagtanghal na rin siya sa Europa kasama ang UP Singing Ambassadors noong 2005. Sa kasalukuyan siya ang program director ng Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan ng Performatibo Manila at isa siya sa mga core members ng Relive Your Passion PH.