Ang dalawang binata na si Lex at Gio, sabay na nagkagusto sa iisang dalaga. At dahil pareho silang competitive, sabay nilang niligawan si Aubrey para magkaalaman na. Dahil parehong ayaw malamangan at pursigido, medyo nahirapan si Aubrey na pakalmahin ang mga manliligaw niya. Ito ang makulit na kwento ng dalawang binatang gustong mapanalunan ang puso ng babaeng kanilang naiibigan. Pakinggan ang kwento ni Lex sa Barangay Love Stories.
Gaano man kahigpit ang mga magulang, mahalagang tandaan na ang pagmamahal nila sa kanilang mga anak ay tunay at tapat. Pakinggan ang kwento ni Natty sa Barangay Love Stories.
Ang pagsubok sa relasyon ay normal, ang importante ay sabay ninyong hinaharap ang mga ito at hindi basta-bastang sinusukuan. Pakinggan ang kwento ni Maria sa Barangay Love Stories.
Magkaroon ka ng lakas ng loob na subukan ang mga bagay na gusto mong marating para wala kang pagsisihan sa huli. Pakinggan ang kwento ni Edmond sa Barangay Love Stories.
Minsan makikilala mo ang ugali ng kaibigan mo kapag nagkautangan na. May mga marunong naman magbayad pero may iba talaga na sa hindi malamang kadahilanan ay napakahirap singilin - kagaya ni Jesh. Maayos naman ang simula ng pagkakaibigan ni Nelly at Jesh, pero nang naniningil na si Nelly, minasama naman ito ni Jesh. Pakinggan ang kwento ni Nelly sa Barangay Love Stories.
Ang mabait na apong si Philip, naiipit sa bangayan ng dalawang makukulit niyang lola. Nakatira sa iisang bubong si Philip at ang kanyang mga lola. OFW ang magulang niya kaya lumaki sa lolo at lola ang binata. Pero kahit na tumatanda na si Philip, overprotective pa rin ang mga lola niya sa kanya pati na sa love life niya. Pakinggan ang kwento ni Philip sa Barangay Love Stories.
Ang tunay na aral ay maaaring ipagpagtuloy sa labas ng paaralan, sa gitna ng hamon ng buhay, at sa pakikipagsapalaran. Pakinggan ang kwento ni Lara sa Barangay Love Stories.
Hindi dugo ang sukatan sa lalim ng pinagsamahan. Dapat ay tanggap mo ang isang tao at 'di nawawala ang respeto. Pakinggan ang kwento ni Seydi sa Barangay Love Stories.
Kung nais mong matutunan na patawarin ang iba, siguraduhin na ang sarili ay napatawad mo na. Pakinggan ang kwento ni Ayen sa Barangay Love Stories.
Matagal nang magkasintahan sina Ezlyn at Jorge, kasal na lang talaga ang kulang. Kaya nang dumating ang proposal ni Jorge, labis ang saya nilang dalawa. Kaso bago ang kasal, nalaman ni Ezlyn na ang future hubby niya, gusto palang maging babae. Pakinggan ang kwento ni Ezlyn sa Barangay Love Stories.
Bilang batang lumaki nang salat, isa sa kagustuhan ni Sasha ang magkaroon nang maayos na buhay para matulungan ang mga mahal niya pati na rin ang iba - tao man 'yan, hayop, o maging mga elementong hindi nakikita. At sa tuwing hindi niya natutulungan ang mga ito, sobra siyang nakokonsensiya. Pakinggan ang kwento ni Sasha sa Barangay Love Stories.
Kung ang isang tao'y mahalaga, disiplinahin siya't magpasensya sa ugali niyang nakakadismaya. Mahirap mang intindihin ito pero baka ikaw ang pag-asa niyang magbago. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.
Nakakasabik nga namang gumawa ng bagay na kakaiba pero asahan ang pangit na resulta kapag alam nang mali pero ipipilit pa. Pakinggan ang kwento ni Marialyn sa Barangay Love Stories.
Nakakalungkot isipin ang katotohanan na nagsasama-sama lang ang ibang tao kapag namatayan. Pakinggan ang kwento ni Maureen sa Barangay Love Stories.
Walang babae ang gustong maging number two, pero minsan dahil magaling mambola ang ibang lalaki, hindi nila mapigilang umasa na balang araw, magigiging priority rin sila. Ganyan ang nangyari kay Jamie, sa hindi inaasahang pangyayari, ginawa siyang kabit ni Paolo na asawa pala ng bagong kaibigan niya. Ayaw ni Jamie makasira ng pamilya kaya sinimulan niyang layuan ang mag-asawa pero si Paolo, habol pa rin nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Jamie sa Barangay Love Stories.
Takot sa kamatayan ang jowa ni Mildred kaya sobra ito kung mag-alala kapag hindi siya nakakapag-update. Minsan, nakakalimutan ni Mildred ang takot na iyon ni Lulu at nagagawa niya pang magbiro tungkol sa mga disgrasya at kamatayan. Pero sa sobrang pangangamba ni Lulu, natatakot na rin ang mga tao sa paligid niya. Pakinggan ang kwento ni Mildred sa Barangay Love Stories.
Sa panahon ngayon, madali na lang ang komunikasyon at madali na rin makahanap ng karelasyon. Kaya mas lalong ingatan ang puso, huwag agad bibigay sa konting pagsuyo. Pakinggan ang kwento ni Iboy sa Barangay Love Stories.
Ang tao na hindi marunong magpahalaga ay walang kasiyahan kahit anong putahe ang ihain sa kanila. May edad na si Imelda pero hindi niya pinigilan ang sarili niyang mahumaling sa katrabaho niyang mas bata sa kanya. At nakuha niya pang iwan sa nanay niya ang kanyang mga anak para lang makipag-live in sa bago niyang jowa. Pakinggan ang kwento ni Imelda sa Barangay Love Stories.
Masakit sa puso kapag nagmahal ka ng tao na sa simula pa lang ay alam mong hindi na magiging iyo. Tulad ni Shaun na matagal nang gusto si Meredith pero kahit pa sinubukan niyang ligawan ang dalaga, may tinitibok na pala ang puso nito. Kaya wala na siyang nagawa kun'di ang pagmasdan si Meredith na maging masaya sa piling ng lalaking pinili nito. Pakinggan ang kwento ni Shaun sa Barangay Love Stories.
Dahil sa bugso ng damdamin, madaling napapayag si Menggay na makipag live-in kay Jason. Pero huli na nang ma-realize niya na mali pala ang napasukan niyang relasyon dahil imbes na magtulungan sila ni Jason, siya lahat ang sumasagot sa kanilang mga gastusin bahay. Sa kabila ng napakaraming red flags ng kanyang jowa, hindi agad umalis si Menggay hanggang isang araw, si Jason pa mismo ang nagpaalis sa kanya sa bahay na tinuring niya na sanang tahanan. Pakinggan ang kwento ni Menggay sa Barangay Love Stories.