Dahil walang bahid ng kaduwagan sa katawan namin, muli namin pinanood ang all time favorite horror film ni Madam Krissy na Feng Shui. Pigil-hininga ka rin ba sa kakaabang paano mamamatay ang character ni Lotlot na year of the horse? At para sa mga year of the snake, paalala! Ingat ka kay Bes. Pinag-usapan din namin at may ilang na-discover na pamahiin na sinusunod pa rin natin hanggang ngayon. GEE na!
Natakot ka rin ba dahil sa kwentong kababalaghan ng matatanda tungkol sa mga mythical creatures gaya ni Mich? Tulad ka rin ba ni Kathy na naniwala nalang para hindi magpakita sa knya? O si Yanyan na sinubukan sirain ang nuno sa punso kung totoong may duwende sa loob? Samahan nyo kaming takutin ang sarili namin sa halloween special episode na ito na kunwari chill lang pero takot!
Para sa mga maagang kumembelar at najontis, this one's for you!
Bilang anak, ano nga bang responsibilities natin sa magulang natin? Sapat na ba ang pagbibigay ng financial support para masabing "nakabawi" ka na? Masama ka bang anak at cancelled ka na sa society kung wala kang mabigay sa magulang mo? Samahan nyo kami sa isang very slight na emotional episode na ito and hopefully, this will leave us a lesson - mahalin natin ang pamilya natin hangga't nandyan pa sila.
"Bakit parang kasalanan ko pa?"
"Ma, sorry Ma.."
"Bigyan ng options, options, options, options!"
Sinong hindi makakalimot sa mga linya na 'to from this Direk Cathy G movie na sumasalamin sa isang typical Filipino family?Kanino kina Teddie, Bobbie,Alex, Gabbie at Reb-Reb ka nakakarelate? O ikaw si Ma..? In this episode, himayin natin ang buhay ng Salazar Family at paano kami nagreflect sa bawat character. Enjoooooy!
What type of kainuman yung ayaw nyo? May kaibigan ka bang maoy? Eh yun bawat tawa may kasamang hampas? Anong alak ang na-one shot one kill ka? Bakit nga ba gusto natin uminom? Pakinggan ang sagot namin dito sa much awaited What's your poison Part 2!
Pakinggan ang mga kahindik hindik at kagila-gilalas na patotoo namin mula sa paboritong alak at mga paranormal activities kapag lasing. Gaano kalayo ang narating mo dahil lasing ka? May kaibigan ka rin bang nakakapagstarbucks at tapsilog pa kahit may bitbit na dead drunk? Natulog ka narin ba sa pool magdamag? Walwal moments remembered in this episode! Shot naaaaaaaaaaaa!
Credits to Teeth for the short intro
10 years from now ganito parin kaya tayo? .. 10..11..12..13..14..forever and ever! Sinabi naman pala ni Popoy kasi kaya tayo damay! Bakit nga ba hanggang ngayon ang sakit sakit parin ng Popoy at Basha break up? How do we move on sa mga paborito natin eksena at hugot lines? Naniniwala ka din ba sa 3 month rule? In this episode, samahan nyo kami as we revisit our favorite romantic movie of all time at alalahanin kung bakit nga ba tayo iniiwan ng taong mahal natin.
Sabi nga nila, meron tatlong tao na mamahalin mo - ang ideal love, first love at the love that lasts. Alinman sa tatlong ito ang naranasan natin, dapat tandaan that pain is always a prerequisite for love. Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan, kahit sino pa ang nagkulang o masyadong naging mapagbigay. So in this episode, kasabay ng buhos ng ulan, we'll share our heartbreak stories and how we moved on at tawanan nalang ito ngayon.
Many of you might be wonderin' why malakas kami magbasagan tatlo, so here's a short trip to memory lane mula sa mga trends sa pormahan, music, sama nyo narin ang mga kalokohan, mga munting pangarap, kung ilan fishball ang natutusok ni Mitch#5 pag 'di nakatingin si Manong and how we end up being friends dahil walang kaming choice. Dito nyo rin malalaman kung sino ang inspirasyon ng McDonalds sa BFF friends at nagpauso ng cheerdance competition ng UAAP. Binalikan din namin ang mga sagot namin sa slambooks, teenage us versus adult us (salamat Direk Tonette and friends sa muling pagbuhay ng "slumbook". Enjoy at hulaan ilan taon na kami!
In this episode, babalikan natin ang very napapanahong and undying pandemic feels mula sa paghihiganti ng mga inaping Paniki, mga makasaysayang walang saysay na issues na talaga naman very patok kay Aling Marites and the gang, personal experiences and some of the bright sides ngayon Pandemic. Pag-usapan din natin ang mga haka-haka ng mga Masters Degree in FB about Covid vaccines and why some people say "No" to it. Tandaan, tayo po ay still in "quarantine" kahit umabot pa sa fortified with iron and may Sangkap Pinoy seal level yan. Mag-ingat and follow the protocols! Let's win this battle!
Welcome to our very first episode! Samahan nyo kami as we reveal ang sometimes kino-conceal na personalities!
Agree kaya or disagree sa results? Kung isa ka sa mga feeling introverts pero totoong extrovert and vice versa, well.. apir apir tayo!
Mic Test .. Mic Test .. Check .. Check.. 1,2,3 .. Ba't nga ba kami nandito?