Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
TV & Film
History
Technology
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts221/v4/92/a8/62/92a862e2-5146-75ef-237c-c61339e13054/mza_8728097709330799883.jpg/600x600bb.jpg
I-Listen with Kara David
Kara David
15 episodes
1 day ago
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.
Show more...
Society & Culture
RSS
All content for I-Listen with Kara David is the property of Kara David and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.
Show more...
Society & Culture
Episodes (15/15)
I-Listen with Kara David
Lara Liwanag, itinumba ang 9-time national CrossFit champion ng Thailand sa Physical Asia | i-Listen

Kabilang ang CrossFit athlete na si Lara Liwanag sa mga buong tapang na lumaban para sa Team Philippines sa Netflix reality competition na Physical: Asia. Dahil sa ipinamalas niyang lakas at diskarte, binansagan siya ng mga netizen bilang “Clutch Queen.”


Paano nga ba nila napatumba ang bodybuilders at kapwa CrossFit athlete? At ano-ano nga ba ang nagbago sa buhay ni Lara pagkatapos mapabilang sa competition na ito?


Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
1 day ago
28 minutes 21 seconds

I-Listen with Kara David
Lalaki, nanirahan sa lansangan ng Maynila pagkatapos grumaduate ng kolehiyo?! | i-Listen

Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan.


Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program.


Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho?


Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.'

Show more...
1 week ago
30 minutes 25 seconds

I-Listen with Kara David
Ahtisa Manalo, laging itlog ang baon noon sa klase; kontesera na sa edad na 10?! | i-Listen

Alam n’yo bang 18 taon nang sumasali si Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo sa beauty pageants? At sa edad na 10, nakamit na si Ahtisa ang una niyang korona sa isang school beauty competition!


Ang kanyang pinaghugutan ng lakas at pinagdaanang hirap, matapang niyang ibabahagi kay Kara David.

Show more...
2 weeks ago
24 minutes 38 seconds

I-Listen with Kara David
Wilma Doesnt, walang naramdaman na lukso ng dugo sa mga tunay na magulang?! | i-Listen

Wala raw naramdamang lukso ng dugo si Wilma Doesnt sa kanyang tunay na magulang nang makilala niya ang mga ito. Pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya naramdaman na hindi siya tunay na anak ng kanyang foster parents.


Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
3 weeks ago
30 minutes 9 seconds

I-Listen with Kara David
PWD Teacher, literal na ginapang ang pag-aaral para maging isang guro?! | i-Listen

Ipinanganak si Carla Dela Cruz na may 'spina bifida occulta,' isang kondisyon kung saan underdeveloped ang kanyang spine. Dahil dito, kinakailangang gumapang ni Carla para makapasok noon sa kanyang mga klase.
Ang pagpupursigi at determinasyon niya... nagbunga at siya'y isa nang SPED teacher ngayon!
Saan nga ba siya humugot ng lakas para matupad ang mga pangarap niya? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' 

Show more...
4 weeks ago
21 minutes 18 seconds

I-Listen with Kara David
Lola, pinakamatandang active runner sa Pilipinas sa edad na 78! | i-Listen

Kaya ba 'to ng lola ninyo? Sa edad na 78, si Lola Rosalinda Ogsimer, nakasali na sa iba't ibang fun run — mula sa 5K, 10K hanggang sa 21K half-marathons at ultra-distance race na aabot hanggang 65 kilometro! Paano nga ba nahilig si Lola Rosalinda sa pagtakbo?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
1 month ago
24 minutes 10 seconds

I-Listen with Kara David
Inka Magnaye, matapang na hinarap ang bipolar at ADHD disorder | i-Listen

Trigger warning: Mentions of depression

Ang boses ni Inka Magnaye na nagpapakalma sa milyon-milyong netizen, may itinatago ring takot at pagdurusa. Taong 2021 nang ma-diagnose siya ng bipolar disorder at kamakailan ay napag-alaman ding may Attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Paano nga ba niya ito nilabanan?

Pakinggan ang matapang na pagbabahagi ni Inka sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
1 month ago
33 minutes 12 seconds

I-Listen with Kara David
Herlene Budol, minsan na nga bang nakatanggap ng indecent proposal? | i-Listen

Bago maging isang aktres at host si Herlene Budol, iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok para kumita ng pera. Pinasok niya ang pagiging umbrella girl, waitress at labandera! Pero ni minsan ba ay nakatanggap siya ng indecent proposal?
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
1 month ago
32 minutes 50 seconds

I-Listen with Kara David
Drag Queen Hana Beshie, itinago ang drag costumes katabi ng mga armas ng sundalong ama?! | i-Listen

Ang beshie beshie natin si Hana Beshie, minsan nang itinago ang pagiging drag queen sa kanyang mga magulang! Lumaki kasi siya sa kampo dahil sa pagiging sundalo ng kanyang ama.


Paano nga ba siya umamin sa kanyang magulang? At paano tinanggap ng kanyang pamilya ang pagsali niya sa drag race competition?


Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.

Show more...
1 month ago
31 minutes 42 seconds

I-Listen with Kara David
Mav Gonzales, nahanap ang kanyang forever sa dating app; inabot ng 8 oras ang first date | i-Listen

May true love sa online dating app — ‘yan ang pinatunayan ni Mav Gonzales nang mahanap na niya ang kanyang ‘The One’ sa pag-swipe right niya! Ano-ano nga ba ang hinahanap ni Mav sa isang lalaki? At paano niya nalaman na nahanap na niya ang 'The One’?

Show more...
2 months ago
31 minutes 4 seconds

I-Listen with Kara David
Phoebe Fructuoso, matapang na ikinuwento ang naranasang pang-aabuso | i-Listen

Ang simpleng inuman kasama ang kanyang mga kaibigan, nauwi sa isang mapait na karanasan para sa noo’y 18-anyos na si Phoebe Fructuoso. Tatlo sa mga taong pinagkatiwalaan niya at itinuring na mga kaibigan ang pinagsamantalahan siya nang malasing ito.


Paano nga ba nahanap ni Phoebe ang boses at tapang matapos ang kanyang pinagdaanan?


Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
2 months ago
30 minutes 32 seconds

I-Listen with Kara David
Mga estudyante nag-ambagan para sa guro na may stage 4 breast cancer na nagtuturo pa rin | i-Listen

Taong 2024 nang ma-diagnose ang senior high school teacher na si Marivic Villacampa ng Stage 4 Triple Positive Breast Cancer. Ang isa sa mga pinagkuhanan niya ng lakas …. ang mga estudyante at kapwa guro niya.


At sa kabila ng patuloy niyang paglaban sa kanser, patuloy na nagtuturo at nagbibigay inspirasyon si Teacher Marivic sa mga silid-aralan.


Ngayong National Teachers’ Month, samahan si Kara David na isa ring guro, pakinggan ang kuwento ni Teacher Marivic sa i-Listen with Kara David.

Show more...
2 months ago
27 minutes 47 seconds

I-Listen with Kara David
Arman Salon, pinigilan ang pagiging bakla noon dahil sa naranasang pang-aabuso (Full Episode) | i-Listen

Good vibes ang hatid ng content creator na si Arman Salon sa nakakaaliw niyang skits sa TikTok. Pero sa likod ng mga nakatutuwang video niya, isang seryosong Arman ang ating nakilala — isang single parent na minsang nakaranas ng pananakit dahil sa pagiging bakla.


Pakinggan ang buong kuwento ni Mother Arman sa ‘i-Listen with Kara David.’

Show more...
3 months ago
24 minutes 36 seconds

I-Listen with Kara David
Dating PDL na 20 beses nakulong, isa nang pastor ngayon! (Full Episode) | i-Listen

Sa murang edad ni Nestor Quilat, natuto siyang magnakaw, mandukot at manlilang para mabuhay. Nakulong siya sa unang pagkakataon dahil sa pagnanakaw ng itlog sa mga terminal ng bus. Nagawa niya ito para lang may panlaman tiyan siya. 

Maraming beses na nakulong at nakalaya si Nestor hanggang sa isang kaso ng pandurukot ang nagpatagal sa kanya sa kulungan. 

Sa loob ng piitan, paano nga ba niya nahanap ang liwanag, pag-asa at pananampalataya?

Pakinggan ‘yan sa i-Listen with Kara David

Show more...
3 months ago
26 minutes 38 seconds

I-Listen with Kara David
Shuvee Etrata, nagpalipat-lipat ng bahay para takasan ang bayad sa upa?! (Full Episode) | I-Listen

Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu na si Shuvee Etrata.

Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. 

Pakinggan ‘yan sa I-Listen with Kara David.

Show more...
3 months ago
41 minutes 2 seconds

I-Listen with Kara David
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David.