
Paalala - Sensitibo ang paksa. Maging disente sa pagkomento.
Sa edad na 18 ay na-diagnose ang content creator na si Lorenz Edilbert Olleres ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV. Dahil sa limitadong HIV education, nakatanggap si Lorenz ng panghuhusga mula sa kanyang pamilya maging ng diskriminasyon sa trabaho noon.
Ngayon, 12 taon nang undetectable ang virus sa kanyang katawan at isa nang HIV advocate si Lorenz Edilbert Olleres.
Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’