All content for Kay Celia is the property of Dean Bocobo and is served directly from their servers
with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Audio Renditons of the Florante at Laura by Francisco Balagtas including the poem's text. Bersong Tagalog.
KC-21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid, tonohan ng lira yaring abang awit na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
KC-18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
KC-17 Celia talastas ko't malabis na umid mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig; di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ang tainga't isip.
KC-14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit di lumawig? nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
KC-13 Anupa nga't walang di nasisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa kagugunita, luha'y lalagaslas, sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"
KC-11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap dito ang panahong masayang lumipas: na kung maliligo'y sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
KC-9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit, himutok ko noo'y inaaring langit, paraiso naman ang may-tulong silid.
KC-6 Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso't panimdim nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at di mananakaw magpahanggang libing.
KC-4 Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang matira kundi ang pag-ibig, tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.