Top song mo ba sa Spotify Wrapped 2025 ang Multo by Cup of Joe? Relapse malala! In this episode, pag-usapan natin ang ating mga multo. Bakit nga ba naghihiwalay ang mga couples na nagba-Baguio? Bakit nga ba mukhang luma pa rin ang UI ng Goodreads? Bakit nga ba may tuldok ng permanent marker yung mga books na naka-sale sa National Bookstore? At bakit nga ba sobrang hirap hingin pabalik mula kay ex ang mga librong naiwan mo sa kanya? Laging tatandaan - BAWAL TUMAWID. MAY NAMATAY NA DITO. GUSTO MONG SUMUNOD? Episode 7 na! This is your book club - The Bookbang Club! 📚
Bulaga! May new episode agad kami! Nagbabalik si Hez na ngayon ay isa nang sintunadong Warbler. (Gleeks represent!) Kasama nya ang isang duwendeng bading, isang pre-merge boot Survivor castaway, at isang Hogwarts reject. Actually, ito dapat yung Halloween episode namin. Pero alam nyo naman ang sitwasyon namin sa aming editor! Think of it as ano na lang... Halloween x Christmas special? Anyway, sino kaya itong 27, a Cancer, certified bookworm, and currently, heartbroken??? Atake! May cheating na naganap? Escándalo! Abangan lahat ng yan dito sa episode 7 ng... The Bookbang Club! 📚
May special guest ulit kami! Joining us in episode 6 is Penne Jacinto aka @faenelope of TikTok! This episode is dedicated to the hustlers na may oras pa ring magbasa, na para bang nakakatantos pa rin sa kanilang mga reading goals despite their busy schedules. This is also for the fantasy (or romantasy?) girlies out there. ACOTAR? Fourth Wing? The Bonds That Tie? Syempre na-mention yang mga yan sa episode na 'to! What is a good book? Do you check Goodreads before, while, and after reading a book? Do you insert yourself in the story? As the main character? Award! Let's go, episode 6! (Also, did we mention na absent si Hez in this episode?) 📚
Ang pinaka-cancellable na host ng podcast na ito ay nagbabakasyon sa Baguio City. Kaya naman, minarapat ng mga naiwan na mag-imbita ng isang merlat to join the fun! Another special guest??? Two episodes in a row??? We must be dreaming! Anong libro ang never mong babasahin ulit? Ini-insert mo ba ang sarili mo as a character sa mga smut novels? (Kinky!) Gusto mo rin bang may kakampi kapag naiirita? Inakala mo rin ba nung bata ka na magiging wizard ka? Haaay! All that and more sa episode 6 ng book club mo - The Bookbang Club! 📚
Samahan sina Hez, Lou, Pael, at RJ with our special guest, screenwriter extraordinaire Jaymar Castro! Isa ka bang aspiring writer para sa telebisyon, pelikula, o nobela? Mae-enjoy mo ang episode na 'to! (O kahit hindi ka aspiring writer, mae-enjoy mo rin 'to, promise!) Mula sa mga childhood throwbacks to teleserye tropes, Poveda sa Cabanatuan to creative deadlines, kung saan-saan napunta ang kwentuhan natin! Pero one thing's for sure, you'll get an insight to the life of a screenwriter and what inspires them - which we hope would inspire you! Kung pagod na pagod na pagod na pagod na si George, silang apat naman, chill na chill lang kasi hindi sila masyadong nagtrabaho sa episode na 'to. Sobrang daldal kasi nung guest. Episode 5 na, mga ka-bookbang! Parang ganon! 📚
For the first time in human history, may special guest ang inyong mga ka-bookbang! Akalain nyong may pumayag? Wala kaming masyadong mai-content sa teaser ng episode na ito kasi ayaw naming i-reveal agad kung sino yung special guest. VIP? Alta de ciudad? Corazon Roxas viuda de Berenguer? Kaya pagtiisan nyo na lang muna yang mga snippets na yan. Another first time - may nag-half day! It's episode 5, parang ganon! 📚
Sa apat na kumag na 'to, may isang maagang dumiskarte para makaipon ng ₱50.00 buwan-buwan pambili ng K-Zone, may isang maagang natutong rumaket at nagpa-renta ng VCDs sa mga kaklase nya nung high school, may isang maagang na-expose sa public speaking, pero late na naka-receive ng appreciation from other people for his talent, at may isang maagang kinailangang tumanda agad - parang si Percy Jackson nung inatasan syang iligtas ang mundo at the age of 12. Bongga. Samahan sina Hez, Lou, Pael, at RJ sa isa na namang episode ng walang katapusang pagya-yap tungkol sa mga paborito nilang libro at kwento. Also, sino sa kanilang apat ang panalo sa paramihan ng "parang" in this episode? Fearless forecast – winner si RJ. Episode 4 na ng book club mo – The Bookbang Club! 📚
Ating alamin kung anong village ang pagmamay-ari ni RJ at kung bakit sya naiiyak. Atin ding alamin kung maganda ba ang Adobo and Arsenic na tanging si Hez lang ang nakabasa. At shoutout sa high school classmate ni Lou! Pakibalik na yung Percy Jackson VCD! (Ang input lang ni Pael sa teaser na ito ay tumawa.) Sa wakas, nakonsensya na yung editor namin! Na-miss nyo ba kami? Hindi? Edi don't! Emeeeee! Na-miss namin kayo! Episode 4, let's go! 📚
Sobrang mahal nga ba ng mga book sets o guni-guni lamang? Nakapagbasa ka na ba ng libro in a concert? Pinamimigay mo ba ang mga books mong movie or TV series tie-in ang cover? Christmas gift din ba ang e-reader mo? Nakakaloka! Nasa episode 3 pa lang tayo?! Ang kupad kasi ng editor namin! Emz. Pull up, mga ka-bookbang! Episode 3 is here! 📚
Change career na si Hez - from a bookworm to a movie critic. Si Lou rin - from a lawyer to an audiobook narrator. Alamin sa episode na ito kung anong hayop ang nakita ni RJ at kung paano makakamura sa pagbili ng hardbound books! At oo nga, Pael, was it a Christmas gift? Episode 3 na ng The Bookbang Club! 📚
Narito na naman ang mga yappers na husgang-husga kay Emily Henry kahit isang novel pa lang naman nung author ang nababasa. In this episode, malalaman natin kung ano nga ba talaga ang Hoesik at aardvark. Nag-yuck ka na ba ng someone's yum? Which TV series is better - Sense8 or Daisy Siete? At sino sa mga 'to ang hindi nauuto ng mga special edition books? Yan at iba pa dito sa episode 2 ng The Bookbang Club! 📚
Mabilis ka bang ma-Hoesik? Nakipag-away ka na ba sa MRT dahil sa mga mababagal na pasahero? Ano 'tong sigalot between Lou and Kuya Kim? And sh*t, ano nga kayang nangyari na nag-consume kay RJ for days on end? Samahan nyo kaming mag-bookbang sa episode 2 ng The Bookbang Club! 📚
Nag-dabble ka rin ba into encyclopedia? Ginusto mo rin bang maging tribute? Saulo mo rin ba ang mga U.S. state birds? Kumusta na kaya sina Miss Tina at Miss Agatha? Samahan sina Hez, Lou, Pael, at RJ sa chop suey premiere episode ng The Bookbang Club! 📚
May muntik ma-kick sa call? Ano ang coordinates ng bembangan? Is someone here secretly a Promil child? At sino ang na-Phone Storage Full? All that and more sa premiere episode ng The Bookbang Club! 📚