From hairline to hard time, tuloy pa rin ang punchline!
Balik-kulitan tayo with standup comedian at certified KoolPal — James Caraan!
Usapang investment sa sarili, kung paano harapin ang failure, at kung bakit minsan, okay ang mag-“trip-trip lang” basta masaya ka sa ginagawa mo. Kwentuhan 'to tungkol sa resilience at self-worth, pero syempre, umaapaw pa rin ng kalokohan. Sabi nga ni James, “characters lang kami sa pod,” pero sa likod ng jokes at kulit, may mga totoong hugot at hard truths na siguradong tatama — upaw ka man o hindi.
Kasama rin sa napag-usapan syempre, ang one of the most-awaited collaboration with Linya-Linya—mula sa show hanggang sa James Upaw shirt!
Paapawin ng mga upaw! Listen up, yo!
Nakasama natin sa pod ang isa sa mga pinaka-nakakatawa, pinaka-relatable, at pinaka-makulit na content creators online — Charuth!
With over 3 million followers on TikTok, she’s one of the most recognizable faces in the Filipino comedy scene. Bukod sa viral skits at witty humor, isa rin siyang commercial model, product endorser, at business owner (naks!)— may sarili siyang café sa Pasig — at active member ng Pencil Box Comedy, isang kwelang collective ng Pinoy comedy writers.
Bilang nasa field sya ng content creation, comedy, at business, ang main na pinag-usapan namin ay tungkol sa Forestry, Terrariums, at Nano Shrimps. Siningit na lang namin pati kung paano gamitin ang humor hindi lang para magpatawa, kundi para magkwento, mag-connect, at mag-inspire.
Light, masaya, at matalino ang naging usapan— parang si Charuth mismo! Listen up, yo!
BRING IT ON, DARLING! 🌈✨
Super special episode ng The Linya-Linya Show—kasama natin ang isa sa pinaka-celebrated drag queens in the Philippines: Brigiding! Fierce looks, fearless voice, at pasabog performances—isang tunay na icon ng Pinoy drag scene.
LIVE ang kwentuhan natin sa kanya sa Linya-Linya HQ kasama ang ilan sa kanyang loyal fans as guests.
Ilan sa mga pinagchikahan namin:
- Drag 101: Ano nga ba ang drag at paano nabubuo ang isang persona?
- Brigiding’s journey bilang artist, mula art influences hanggang sa Slaysian track record.
- Thanksgiving Party highlights at ang paglago ng drag community sa Pilipinas.
- Drag as art, expression, at protest—paano nagiging boses ng bayan ang drag?
- At syempre, ang Linya-Linya × Brigiding collab shirt: “Bring it on, Darling!” 💖
Kwela, makulay, malaman, at palaban ang episode na ‘to.
Listen up, yo!
Mga ka-linya, iba naman setup natin ngayon. Wala tayo sa Linya-Linya HQ, at wala rin sa TPN Studio. Nandito tayo ngayon sa gitna ng ganda, ginhawa, at hiwaga ng Puerto Princesa sa Palawan. At syempre, special din ang guest natin. Hindi lang basta writer, hindi lang basta doktor. He’s both — isang makata at manggagamot. Award-winning poet, essayist, lyricist, performance poet, at Medical Doctor for Public Health. Laki sa Maynila, pero may roots din ang pamilya sa Cuyo, Palawan. Finalist ng National Book Award ang kanyang librong Ang Kartograpiya ng Pagguho, at ilang beses nang kinilala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Mga kaibigan, kasama natin ngayon — Doc Ralph Fonte, a.k.a. Doc Loaf!
Malaman ang kwentuhan natin kasama sya-- tungkol sa kasaysayan at kagandahan ng Palawan, sa naging lakbay nya sa larangan ng medisina at literatura, sa halaga ng mga salita, ng mga kuwento, ng pagtulak sa mga adbokasiya't mga ipinaglalaban. Naibahagi nya rin ang isinasagawa nilang taunang Pawikaan Writers Workshop, para sa tuloy-tuloy na paglinang sa pagsusulat ng mga Palaweño.
Samahan nyo kami ni Doc Loaf sa kwentuhang ito. Listen up, yo!
PEPEPEM!!!
After 7 long years, nakabalik na sa The Linya-Linya Show—at this time, solong-solo na natin—ang actor, stand-up comedian, Comedy Manila at The KoolPals legend: Nonong Ballinan! BOOM!
Ilan sa mga napag-usapan namin: Journey niya mula simpleng komedyante hanggang maging bahagi ng #1 comedy podcast sa Pinas, at pag-perform sa maliliit na venue hanggang umabot na ngayon sa New Zealand! Umabot din ang usapan sa pagsakay sa bus sa kahabaan ng Commonwealth, hanggang lumapag sa Novaliches, at bakit dapat maging taas-noo at proud ang mga taga-Nova. Naks!
Ang kwento sa likod ng linya niyang “Ang Buhay ay Laging May Punchline”— at kung paano niya isinasabuhay ang aral na ito. Syempre, ang collaboration with Linya-Linya— mula event hanggang merch!
Mahaba, kwela, pero makabuluhan ang kwentuhan with Nonong.
Listen up, yo!
Balik-bata with Victor and Ali sa The Linya Linya Show!
Dito, pinag-usapan nila kung paano nag-iba ang mundo ng laruan noon at ngayon—mula sa action figures, teks, at pogs, hanggang sa kids today na mas hooked sa gadgets at online games. Sariwain ang saya ng paglalaro offline, at tuklasin kung paano naging serious hobby ang toy collecting. Plus, bakit nga ba sayang kung binenta o nawala ang mga lumang toys? (Spoiler: collector’s item na sila ngayon!)
Listen up yo!
Yo, check!
Balik tayo sa isa na namang episode ng BARA-BARA, collab ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League. Kasama natin ngayon ang 2x Isabuhay champ, rap artist, respetadong hurado, at miyembro ng Illustrado at UPRISING—si BATAS!
Ikalawang salang nya na sa podcast, pero unang beses sa Bara-Bara. Kwentuhan tayo tungkol sa lipat-buhay niya sa Canada, kung paano nakakaapekto sa kanya ang paggawa ng content tulad ng Basehan ng Bawat Hurado at Pagusapan Natin Pare, pati na ang mga nami-miss niya sa FlipTop stage. Is naman sa mga naging main topics ang mainit na usapin ngayon sa local hip hop scene: ang judging sa battle rap.
Halos dalawa’t kalahating oras, kasama ang Basehan ng Bawat Hurado. Pag-usapan natin, pare. Listen up, yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
Balik-eskwela na naman, pero imbes na excited, maraming estudyante at guro ang humaharap sa matinding problema— kulang na classrooms, sira-sirang pasilidad, at mga paaralang apektado pa ng baha at sunog.
Sa episode na ‘to, tatalakayin natin ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas: bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang classroom shortage? Paano naapektuhan ang quality ng learning ng mga mag-aaral dahil dito? Ano ang dapat gawin para hindi puro “make-do” na lang ang sistema?
Samahan si Ali at sina teach Sabs & Teach Jaton sa isang usapang puno ng tanong, ng pag-aalala, at kahit paano, ng pag-asa, sa harap ng mabigat na paksa.
Sit-in na. Simula na ng klase. Listen up yo!
Ano’ng bago sa inyo?
Kay Red Ollero— standup comic, host, podcaster, model, actor— maraming bago. Masaya ang naging kwentuhan nila ni Ali sa TPN Studio. Mula sa usapang pizza (at sa
pagiging pi-savvy nya), sa kanyang naging creative block mula noong ma-feature sa Netflix, hanggang pagpivot sa pagsusulat at pag-produce sa FPW (Filipino Pro Wrestling) at pagiging promoter ng Comedy Manila. Litaw talaga at maririnig ang passion ni Red sa kanyang iba’t ibang creative endeavors, at masayang marinig ang well-deserved triumphs nya along the way. Napag-usapan din nila ni Ali ang bagong collab shirt nya with Linya-Linya, pati na ang Tayo-Tayo show nya sa Linya-Linya HQ.
Let’s give it up for Red Ollero! Listen up yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
From Malacañang press rooms to mountain peaks. Sa special episode na ‘to, kasama natin si Ms. Pia Ranada Robles ng Rappler—award-winning journalist, fearless truth-seeker, at certified climber. Pinag-usapan namin ang kanyang journey sa journalism, ang matitinding pagsubok na hinarap nya during the Duterte years, ang pag-cover sa Marcos Jr. admin, at kung paano niya tinitingnan ang kasalukuyan at hinaharap ng media at ng bansa.
Maglabas na ng notebook habang nakikinig, dahil maraming learnings na mapupulot sa masaya at makabuluhang usapang ito.
Listen up, yo!
Sa episode na ‘to, nagbalik si Victor Anastacio para sa isang makukit pero malaman na usapan with Ali tungkol sa A.I.—oo, 'yung Artificial Intelligence, hindi Ali & Intellectwalwal. Lelz.
Pinag-usapan nila kung paano nakakatulong ang AI sa trabaho, creativity, at daily life... pero hindi rin nila pinalampas ang dark side: job displacement, deepfakes, at 'yung simpleng fact na minsan, ang hirap nang malaman kung sino pa ba ang tao sa chat.
Maririnig mo rin ang pangarap ni Victor na makipagbardagulan sa AI comedy writers at ang existential fear ni Ali na baka ma-replace siya ng ChatGPT sa podcast.
Masaya, magulo, pero punong-puno ng tanong na worth pag-isipan.
🎧 Makinig na at alamin kung AI nga ba ang sagot sa lahat—o baka naman tayo pa rin ang may control? (Sana.) Listen up, yo!
Sa pagsalubong natin sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, isang karangalan para sa Linya-Linya ang makatuwang para sa isang espesyal na kolaborasyon ang premyadong makata, guro, kritiko, at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario, o mas kilala sa kaniyang sagisag na Rio Alma ✍️
Mapalad din tayong makausap at makakwentuhan si Sir Rio sa The Linya-Linya Show.
Nagmula ang pamagat ng episode sa kanyang tulang "Ibalik Ang Tula Sa Pusò Ng Madla." Isa itong paalala sa ating henerasyon-- na sa harap ng mga pagbabagong dulot ng teknolohiya at samu't saring banyagang impluwensya, tinatawag pa rin tayong mga Pilipinong sariwain, payabungin, at isabuhay ang sariling wika, dahil tunay na nandito ang ating puso at diwa.
Sa pagdaan ng mga henerasyon hanggang sa kasalukuyan, ibinahagi ni Sir Rio ang kanyang simulain, pati na ang kanyang karanasan bilang tagapagtanggol ng wikang Filipino at panitikang Pilipino. Isang episode na puno ng aral, alaala, at pagmamalasakit sa bayan.
Makinig, makisama sa pagdiriwang, at pahalagahan ang ating wika at kultura.
Maligayang Buwan ng Wika sa lahat!
ng daming nangyayari. Kaya eto, isa na namang mabilisang kwentuhan tungkol sa mga ganap nitong mga nakaraang araw at linggo.
Isang malaking milestone ang ipinagdiriwang natin—isang episode ng The Linya-Linya Show ang umabot sa #1 sa Spotify charts at #2 naman tayo sa top podcast shows nationwide! Para sa inyo ’to, mga ka-Linya. Salamat sa palaging pakikinig at suporta. <3
Sa episode na ’to, may exclusive kwento rin si Ali sa naging pagbisita nila ni Reich sa Naga City at sa opisina ni Mayor Leni Robredo— behind-the-scenes na dito nya lang naikwento.
At syempre, isang dagdag na yakap sa lahat ng may dinadaanan sa ngayon, kabilang na ang kabit-kabit na bagyo.
Tara, saglit lang. Listen up, yo!
IKAW BA SI… teka. Kilala at kalat na ang pangalang K-Ram bilang battle emcee, pero kilala nga ba talaga natin sya?
Sa bagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collab ng Linya-Linya at FlipTop Battle league, kasama natin ang well-rounded, makulit na komedyante, at malupit na freestyler na si K-RAM!
Ano nga ba ang pinagmulan ng kanyang passion sa hip hop at battle rap? Ano-ano ang mga ginawa niya noon bago nadiscover ang talento nya sa pagbanat ng freestyle?
Ano ang real score sa kanila ni Anygma, at bakit nga ba sya ang paborito ni Boss? Haha.
Nakilala rin si K-Ram sa kanyang pagiging mabuting tropa. Ano nga ba ang tips nya sa tunay na pagkakaibigan?
Tara. Listen up, yo!
Marhay na aldaw!
Ipinakikilala: Naga City Mayor 👏 Leni. Robredo 👏 Boom!
Maswerte tayong nakabisita at tinaggap sa opisina ni now Naga City Mayor Leni Robredo sa first week niya sa serbisyo. Mahaba ang araw ni Mayor at abalang-abala sa trabaho— clock in ng 7AM, clock out ng 830pm. Nabigyan nya rin tayo ng panahon para magkwento sa kanyang pagkapanalo, at sa simula ng kanyang bagong papel bilang lingkod-bayan— balik sa kanyang pinakamamahal na hometown sa Naga. Ano nga ba ang kanyang mga plano at pangarap para sa lungsod? Sa parating na 2028 at sa mga darating pang eleksyon, bukas pa ba syang tumakbo sa isang National position? Ano ang mga natutuhan nya sa nakaraang eleksyon, at ano ang payo nya sa ating mga kababayan sa pagpili ng mga susunod nating mga pinuno?
Hindi lang sa Mabuting Pamamahala humantong ang usapan— umabot pa hanggang Mabuting Pagmamahalan. Humingi rin ng relationship advice sina Ali at Reich, lalo’t parating na ang kanilang nalalapit na kasalan.
Pakinggan sa The Linya-Linya Show! Listen up yo!
Biglaang kulitan episode kasama ang fun, fearless and VERY fresh improv theater group na Hausmates!
Alamin kung paano na-construct ang kanilang 'Haus' at kung paano nila nagawang ma-feature ang bawat uniqueness ng kada member ng improv group na ito. Iba-iba ng atake sa comedy, improv at paglalakbay sa buhay— ito na nga siguro ang reason bakit intertwined ang roads nila! Alamin din kung totoo nga ba ang rumors na si Ali ang bagong member ng Hausmates!
Pakinggan sa The Linya-Linya Show! Listen up yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
SUS! PEN! DED! SUS! PEN! DED!
Panahon na naman ng tag-ulan. Sa Livin' The Filipino Life episode na 'to, tamang reminisce lang sina Ali at Vic sa childhood memories hatid ng ulan, at kung ano rin ang ibig-sabihin nito ngayong all-out adulting na sila.
May konting patak ng kaseryosohan, pero buhos ang kulit-- ihanda na ang mainit-init na kape, o goto habang nakikinig ng nostalgic episode na 'to!
Listen up, yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
Yo! Mabilisang episode lang! Catch up with Ali sa mga ganap at ongoing projects na nangyayari behind the scenes sa Linya-Linya. Saan-saan na din nararating ng Linya-Linya dahil sa napaka angas at mahusay na community natin! Listen up, yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
Happy 3rd Anniversary! Hihi 😘
Catchup at kwentuhan lang with Ali and Reich bilang Independence Day holiday… at 3rd year nila as a couple!
Tamang reminisce sa soon-to-be dating app sakses story nila. Nagcelebrate din sila ng small and big wins— tulad ng bagong work ni Reich, at sa current and future ventures ni Ali. Kulitan na naligaw sa usapang dishwasher at pickle ball, at of course, usapang work and life balance!
Ang question of the episode ay: Nagsi-celebrate ba kayo ng monthsary?
Listen up, yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
Yo, check! Welcome sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show, ang podcast collab series ng Linya-Linya at FlipTop Battle League. Ang bagong bisita natin— isang seasoned battle emcee, na nakilala sa kanyang lyricism, complex rhyme schemes, confidence and stage presence— isa ring MMA fighter at tatay— mula Parañaque pa para sa inyo, mag-ingay para kay SAINT ICE!
Simple, magaan, pero malaman ang naging kwentuhan— tungkol sa kanyang background, sa pagiging estudyante sa skwela, estudyante ng martial arts, estudyante ng laro sa battle
rap, at sa pagiging isang tatay. Sa paglakbay natin sa naging journey ni Saint Ice sa buhay, lumantad kung gaano sya kametikoloso sa proseso, sa pagiging disiplinado sa bawat galaw, at sa pag-lock in sa mga bagay na pinipili nyang pasukin at kung saan sya nagpapakahusay.
Habang pinapakinggan mo ang 2-hour episode na ito, mas magegets mo ang atake ni Saint Ice, hindi lang battle rap, kundi sa entablado ng buhay. Solid kung solid— listen up, yo!