Bumisita ako sa Better World Smokey Mountain sa Tondo, Maynila para sa isang event ng AHA! Learning Center—at doon ko nakilala ang mga batang hindi lang cute at makukulit, kundi bibo, matatalino, at tunay na mga star students ng Tondo.Sila ang mga hosts ng Balitang Bata—isang youth-led radio podcast, created by kids, for kids, at pati na rin para sa mga kids at heart. Sa kanilang programa, tampok ang mga kwento, trivia, at kwentuhang nagbibigay-boses sa mga pangarap, karanasan, at araw-araw na buhay ng mga batang Pilipino.Sa episode na ’to ng The Linya-Linya Show, nagkaroon kami ng simpleng kwentuhan—pero punong-puno ng laman. Pinag-usapan namin kung taga-saan sila at ano-ano’ng skwela, mga karanasan nila sa paaralan at pamilya, mga pinagkakaabalahan nila at mga pangarap nila paglaki. At lampas sa kwentuhang pambata, naging totoo at madamdamin rin ang usapan. Ibinahagi nila ang mga concerns nila sa edukasyon, mga isyung panlipunan, at kung paano nila nararamdaman ang korupsyon sa lipunan—at ang epekto nito sa kanilang kinabukasan.Isang paalala na kahit bata pa, may malinaw silang boses, opinyon, at pakiramdam—kailangan lang silang pakinggan.Listen up, yo.
Sa episode na ’to ng The Linya-Linya Show, kasama natin si A$tro — isa sa mga pinakamalupit at pinakamasipag na rap artists ng Pinas na hinahataw ang hip-hop para buhayin ang pamilya at ang pangarap.Pinag-usapan namin ang roots niya sa Sampaloc at ang pag-usbong ng kanyang artistry sa Rizal; ang proseso at kwento sa likod ng mga kantang nagka-impact sa napakaraming listeners at ang iba't iba nyang collabs; ang realidad bilang isang artist, entrepreneur, at erpat.Sakto ang labas nito sa kalalabas lang ding "Solo" album ni A$tro. Listen up, yo.
Biglaang podcast recording, kaya ipinagpasa-Diyos na lang namin ni Romar Chuca, also known as The Catholic Comedian, kung saan tutungo ang usapan namin. Turned out, naging catchup, processing (bilang Linya-Linya team member sya noon!), life updates, at paghimay ng mga naging lakbay nya da iba’t ibang mga pinasok nyang bokasyon.Syempre, pinag-usapan din namin ang book collaboration ni Romar Chuca, kasama ang Linya-Linya at St. Pauls, na pinamagatang “Banat ng (mga sumusubok talagang maging) Banal.” Masayang kwentuhan, na may halong reflection— listen up, yo!
Bara-Baraks! Bumisita tayo sa Baraks, headquarters ng FlipTop para makausap ang presidente ng liga, si Anygma.
Inupuan namin para pagkwentuhan at pagnilayan ang malalaking events at milestones ng FlipTop, ni Anygma, at ng Filipino hip hop ngayong taon:
— Ang pagrepresenta ng FlipTop sa Frankfurt Book Fair
— Ang historic musice event na FlipTop Live
— Ang nakakawindang na AHON 16 lineup at match-ups
— Predictions para sa Royal Rumble, Finals, at dark horses ng liga
— At syempre, sneak peek sa FlipTop 2026
Tatlong oras na kwentuhan. Nakaubos ng 10 yosi si Anygma.
Para sa fans, emcees, at kahit sinong curious sa inner workings ng #1 rap battle leage sa mundo.
Listen up, yo.
At syempre, kitakits sa AHON 16.
Sa panahong maraming Pilipinong tila pagod na, disillusioned, o parang nawawalan ng saysay ang “tindig,” nakakabuhay kapag may nakikilalang mga kabataang patuloy pa ring lumalaban.Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si Kiko Aquino-Dee — isang part-time lecturer sa University of the Philippines Diliman; co-convenor ng Tindig Pilipinas; isa sa organizers ng Trillion Peso March; Executive Director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation, kung saan tumutulong siyang itaguyod ang mga adbokasiya ng kanilang pamilya.Pamangkin siya ni dating Pangulong Noynoy Aquino, at apo nina Ninoy at Cory Aquino— pero higit pa sa apelyido, gusto nating makilala kung sino si Kiko bilang tao, mamamayan, at lider ng bagong henerasyon.Mula Wrestling, Pokémon, kanyang kabataan, edukasyon, hanggang kung paano siya nahubog ng kanyang pamilya’t karanasan. Tinalakay din namin ang mga isyung bumabalot sa gobyerno ngayon— mula sa korapsyon hanggang sa pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan— at kung paano nananatiling buhay ang diwa ng katapatan at serbisyo na sinimulan ng kanyang Tito Noy.Mula Luneta hanggang EDSA, mula sa galit hanggang sa pag-asa — pag-uusapan natin kung paano pa rin tayo tatayo at titindig, sa kabila ng paulit-ulit na pagkadismaya.Samahan niyo kami ni Kiko, hindi lang sa pakikinig, ngunit pati na rin sa paglabas sa kalsada, at patuloy na paglaban para sa mga minimithi natin sa lipunan.
Totoong #blessed tayo sa episode na ‘to. Kasama natin si Fr. Flavie Villanueva, ang paring inilapit ang misyon ng simbahan sa lansangan. Siya ang founder ng Arnold Janssen Kalinga Center, na nagbibigay ng dignified care sa mga maralita at nawalan ng tahanan, at Dambana ng Paghilom, na nagbibigay ng makataong libingan at suporta sa mga biktima ng drug war.
Mula sa kanyang personal na transformation bilang dating drug user hanggang sa pagiging paring ginagabayan ng malasakit at tapang, pag-uusapan namin ang: • Ano ang ibig sabihin ng tunay na dignidad. • Ang hirap at ganda ng pag-asa. • At paano manatiling tapat sa pananampalataya sa gitna ng dilim.
Isang usapan tungkol sa pananampalataya, katarungan, at pagkatao. Listen up, yo.
Nakabisita tayo sa napakagandang studio ng Chicks2Go, at nakakwentuhan natin ang dalawang makulit na hosts ng chart-topping podcast — Hershey Neri at Ashley Rivera!Makulit na online, mas makulit pa in person!Sa episode na ‘to, napunta ang usapan sa lahat ng relatable at nakakatuwang adulting topics: relationships, love life, pagiging tita, at kung paano nga ba harapin ang mga “kadiri pero gusto ko” moments ng buhay.Masayang chikahan na puno ng tawanan, hugot, at real talk — Linya-Linya style. Listen up, yo!
From hairline to hard time, tuloy pa rin ang punchline!
Balik-kulitan tayo with standup comedian at certified KoolPal — James Caraan!
Usapang investment sa sarili, kung paano harapin ang failure, at kung bakit minsan, okay ang mag-“trip-trip lang” basta masaya ka sa ginagawa mo. Kwentuhan 'to tungkol sa resilience at self-worth, pero syempre, umaapaw pa rin ng kalokohan. Sabi nga ni James, “characters lang kami sa pod,” pero sa likod ng jokes at kulit, may mga totoong hugot at hard truths na siguradong tatama — upaw ka man o hindi.
Kasama rin sa napag-usapan syempre, ang one of the most-awaited collaboration with Linya-Linya—mula sa show hanggang sa James Upaw shirt!
Paapawin ng mga upaw! Listen up, yo!
Sa special Daddy Diaries episode na ‘to, magkasama ulit kami ni Engr. at Sensei Rene Sangalang — para pag-usapan ang 60 years ng Okinawan Shorin-Ryu Karate sa Pilipinas ngayong 2025.
Dito, binalikan namin ang kasaysayan ng Karate — mula Okinawa hanggang sa pagdating nito sa Pilipinas. Ibinahagi ni Daddy ang mga natutuhan niya mula sa huling biyahe niya sa Fukuoka at Okinawa, kung saan muli siyang nag-training kasama ang kanyang Master. Dito niya rin nahanap ang lakas ng loob para itanong ang mga matagal na niyang gustong malaman tungkol sa sining ng Karate— at sa wakas, ibinahagi ng kanyang Master ang mga “secret techniques” na hindi pa naituro noon.
Napag-usapan din namin ang nalalapit na 60th Anniversary Celebration ng Shorin-Ryu Karate sa bansa — kung saan babalik ang kanilang Master, si Seigi Shiroma, isa sa mga pioneer instructors ng Karate sa Pilipinas, para magsagawa ng Kata kasama ang mga Karateka mula sa iba’t ibang henerasyon.
Isang malaman at makasaysayang usapan ng mag-ama — tungkol sa disiplina, lakas ng loob, at sa walang katapusang pag-aaral ng sining at buhay.
Isa na namang character unlocked sa mundo ng Filipino battle rap at hip hop. Isang karangalan ang makasama at makapanayam natin ang lente sa likod ng mga pinaka-iconic na litrato sa mga eksena ng FlipTop, pati na sa local music scene at large. Isang music photojournalist na dalawang dekada nang humuhuli ng mga sandali at pumipitik ng mga saglit— mula rock concerts hanggang rap battles. Nakasama na sya sa tours ng mga bandang tulad ng Greyhoundz, Rivermaya, Spongecola, Kamikazee, UDD,, at marami pang iba. Point-of-view naman nya ang tututukan natin ngayon. Sa kaliwa ko, mula Pasig City pa para sa inyo, ang official photographer ng FlipTop Battle League– mag-ingay para kay Ma’am Niña Sandejas!
Pakinggan ang bagong episode ng Bara-Bara, ang podcast series collaboration FlipTop Battle League at ng Linya-Linya. Game!
It all started from scratch— literal.
Kung nakapanood ka na nang FlipTop event nang live, malamang nakita mo na syang nagpapaapoy ng turntable at nagpapadagundong ng venue. O kahit sa YouTube uploads lang, narinig mo na malamang ang beats nya sa intro. New character unlocked tayo sa Bara-Bara, ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya— champion DJ, isang tunay na pioneer at pundasyon ng Filipino hip hop, mula UPRISING pa para sa inyo— mag-ingay para kay SUPREME FIST!Mula Novaliches, rekta si Paul sa Linya-Linya HQ. Binaybay nya ang kasaysayan ng turntablism (at ang Pinoy roots nito!), kung paano sya nahumaling sa art form na ito, at ang iba’t ibang kwento sa likod ng kaskas. Usapang roots, craft, community, na may halong kulit— samahan nyo kami sa malupit na kwentuhan kasama si Supreme Fist!
Listen up, yo!
Nakasama natin sa pod ang isa sa mga pinaka-nakakatawa, pinaka-relatable, at pinaka-makulit na content creators online — Charuth!
With over 3 million followers on TikTok, she’s one of the most recognizable faces in the Filipino comedy scene. Bukod sa viral skits at witty humor, isa rin siyang commercial model, product endorser, at business owner (naks!)— may sarili siyang café sa Pasig — at active member ng Pencil Box Comedy, isang kwelang collective ng Pinoy comedy writers.
Bilang nasa field sya ng content creation, comedy, at business, ang main na pinag-usapan namin ay tungkol sa Forestry, Terrariums, at Nano Shrimps. Siningit na lang namin pati kung paano gamitin ang humor hindi lang para magpatawa, kundi para magkwento, mag-connect, at mag-inspire.
Light, masaya, at matalino ang naging usapan— parang si Charuth mismo! Listen up, yo!
BRING IT ON, DARLING! 🌈✨
Super special episode ng The Linya-Linya Show—kasama natin ang isa sa pinaka-celebrated drag queens in the Philippines: Brigiding! Fierce looks, fearless voice, at pasabog performances—isang tunay na icon ng Pinoy drag scene.
LIVE ang kwentuhan natin sa kanya sa Linya-Linya HQ kasama ang ilan sa kanyang loyal fans as guests.
Ilan sa mga pinagchikahan namin:
- Drag 101: Ano nga ba ang drag at paano nabubuo ang isang persona?
- Brigiding’s journey bilang artist, mula art influences hanggang sa Slaysian track record.
- Thanksgiving Party highlights at ang paglago ng drag community sa Pilipinas.
- Drag as art, expression, at protest—paano nagiging boses ng bayan ang drag?
- At syempre, ang Linya-Linya × Brigiding collab shirt: “Bring it on, Darling!” 💖
Kwela, makulay, malaman, at palaban ang episode na ‘to.
Listen up, yo!
Mga ka-linya, iba naman setup natin ngayon. Wala tayo sa Linya-Linya HQ, at wala rin sa TPN Studio. Nandito tayo ngayon sa gitna ng ganda, ginhawa, at hiwaga ng Puerto Princesa sa Palawan. At syempre, special din ang guest natin. Hindi lang basta writer, hindi lang basta doktor. He’s both — isang makata at manggagamot. Award-winning poet, essayist, lyricist, performance poet, at Medical Doctor for Public Health. Laki sa Maynila, pero may roots din ang pamilya sa Cuyo, Palawan. Finalist ng National Book Award ang kanyang librong Ang Kartograpiya ng Pagguho, at ilang beses nang kinilala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Mga kaibigan, kasama natin ngayon — Doc Ralph Fonte, a.k.a. Doc Loaf!
Malaman ang kwentuhan natin kasama sya-- tungkol sa kasaysayan at kagandahan ng Palawan, sa naging lakbay nya sa larangan ng medisina at literatura, sa halaga ng mga salita, ng mga kuwento, ng pagtulak sa mga adbokasiya't mga ipinaglalaban. Naibahagi nya rin ang isinasagawa nilang taunang Pawikaan Writers Workshop, para sa tuloy-tuloy na paglinang sa pagsusulat ng mga Palaweño.
Samahan nyo kami ni Doc Loaf sa kwentuhang ito. Listen up, yo!
PEPEPEM!!!
After 7 long years, nakabalik na sa The Linya-Linya Show—at this time, solong-solo na natin—ang actor, stand-up comedian, Comedy Manila at The KoolPals legend: Nonong Ballinan! BOOM!
Ilan sa mga napag-usapan namin: Journey niya mula simpleng komedyante hanggang maging bahagi ng #1 comedy podcast sa Pinas, at pag-perform sa maliliit na venue hanggang umabot na ngayon sa New Zealand! Umabot din ang usapan sa pagsakay sa bus sa kahabaan ng Commonwealth, hanggang lumapag sa Novaliches, at bakit dapat maging taas-noo at proud ang mga taga-Nova. Naks!
Ang kwento sa likod ng linya niyang “Ang Buhay ay Laging May Punchline”— at kung paano niya isinasabuhay ang aral na ito. Syempre, ang collaboration with Linya-Linya— mula event hanggang merch!
Mahaba, kwela, pero makabuluhan ang kwentuhan with Nonong.
Listen up, yo!
Balik-bata with Victor and Ali sa The Linya Linya Show!
Dito, pinag-usapan nila kung paano nag-iba ang mundo ng laruan noon at ngayon—mula sa action figures, teks, at pogs, hanggang sa kids today na mas hooked sa gadgets at online games. Sariwain ang saya ng paglalaro offline, at tuklasin kung paano naging serious hobby ang toy collecting. Plus, bakit nga ba sayang kung binenta o nawala ang mga lumang toys? (Spoiler: collector’s item na sila ngayon!)
Listen up yo!
Yo, check!
Balik tayo sa isa na namang episode ng BARA-BARA, collab ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League. Kasama natin ngayon ang 2x Isabuhay champ, rap artist, respetadong hurado, at miyembro ng Illustrado at UPRISING—si BATAS!
Ikalawang salang nya na sa podcast, pero unang beses sa Bara-Bara. Kwentuhan tayo tungkol sa lipat-buhay niya sa Canada, kung paano nakakaapekto sa kanya ang paggawa ng content tulad ng Basehan ng Bawat Hurado at Pagusapan Natin Pare, pati na ang mga nami-miss niya sa FlipTop stage. Is naman sa mga naging main topics ang mainit na usapin ngayon sa local hip hop scene: ang judging sa battle rap.
Halos dalawa’t kalahating oras, kasama ang Basehan ng Bawat Hurado. Pag-usapan natin, pare. Listen up, yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
Balik-eskwela na naman, pero imbes na excited, maraming estudyante at guro ang humaharap sa matinding problema— kulang na classrooms, sira-sirang pasilidad, at mga paaralang apektado pa ng baha at sunog.
Sa episode na ‘to, tatalakayin natin ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas: bakit hindi pa rin nasosolusyunan ang classroom shortage? Paano naapektuhan ang quality ng learning ng mga mag-aaral dahil dito? Ano ang dapat gawin para hindi puro “make-do” na lang ang sistema?
Samahan si Ali at sina teach Sabs & Teach Jaton sa isang usapang puno ng tanong, ng pag-aalala, at kahit paano, ng pag-asa, sa harap ng mabigat na paksa.
Sit-in na. Simula na ng klase. Listen up yo!
Ano’ng bago sa inyo?
Kay Red Ollero— standup comic, host, podcaster, model, actor— maraming bago. Masaya ang naging kwentuhan nila ni Ali sa TPN Studio. Mula sa usapang pizza (at sa
pagiging pi-savvy nya), sa kanyang naging creative block mula noong ma-feature sa Netflix, hanggang pagpivot sa pagsusulat at pag-produce sa FPW (Filipino Pro Wrestling) at pagiging promoter ng Comedy Manila. Litaw talaga at maririnig ang passion ni Red sa kanyang iba’t ibang creative endeavors, at masayang marinig ang well-deserved triumphs nya along the way. Napag-usapan din nila ni Ali ang bagong collab shirt nya with Linya-Linya, pati na ang Tayo-Tayo show nya sa Linya-Linya HQ.
Let’s give it up for Red Ollero! Listen up yo!
If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com
From Malacañang press rooms to mountain peaks. Sa special episode na ‘to, kasama natin si Ms. Pia Ranada Robles ng Rappler—award-winning journalist, fearless truth-seeker, at certified climber. Pinag-usapan namin ang kanyang journey sa journalism, ang matitinding pagsubok na hinarap nya during the Duterte years, ang pag-cover sa Marcos Jr. admin, at kung paano niya tinitingnan ang kasalukuyan at hinaharap ng media at ng bansa.
Maglabas na ng notebook habang nakikinig, dahil maraming learnings na mapupulot sa masaya at makabuluhang usapang ito.
Listen up, yo!